Build Your Power System!​

Tignan ang iba't ibang Setup​

Simulan sa paborito mong online shop para sa recommended parts…

Ginawa ko itong blog para makaiwas ka sa mga scam setups at manloloko!

Nabiktima ako nung may nag alok ng solar setup samin na kaya daw ang aming 43″ LED TV, Computer, Electric Fan at iba pang appliances.

Siningil kami ng P20,000 para sa 100W Solar Panel, 12V 100AH JSL II Lead Acid Battery, 20A PWM Solar Charge Controller, 1000W TBE Modified Sinewave Inverter at speaker wires.

Pagka-install nya ay hindi gumana ang TV kase hindi daw compatible. Sinubukan nya sa E-fan na gumana pero maugong at sabi ay normal daw yun sa solar. Ang sunod nyang sinaksak ay ang computer at internet modem. Umalis na sya ng gumagana ang mga ito.

Wala pang isang oras ay biglang namatay ang computer at internet modem, nalowbat agad ang battery. Hinayaan namin para ma-charge ng solar kinabukasan.

Nung nakita kong tumigil na mag charge ay sinubukan ulit namin kaso ganun pa rin at wala pang isang oras ay namatay ulit ang computer at internet modem.

Hinayaan ulit namin ma-full charge ang battery at nung puno na ito ay sinubukan namin na internet modem lang ang isaksak sa inverter. Ang problema ay namatay din ito kahit wala pang 8 hours ang lumipas.

Nag reklamo na kami sa installer nitong solar setup at ang sabi ay kulang daw sa battery at solar panel. Nawala na ang tiwala namin sa kanya kaya hindi na kami nag usap pa.

Napilitan akong aralin ang tungkol sa Solar Power System para mapagana ko ng maayos itong scam na setup samin. Nakapag design at diagram ako ng iba't ibang setup depende sa gusto naming mapagana.

Hanggang sa nabuo ko ang aming 48V Solar Power System na kayang paganahin ang aming buong bahay. Nilagay ko sa blog na ito ang mga design at diagram na hindi ko nagamit para makatulong sa mga nagsisimula pa lamang pati na rin sa mga may solar power setup na pero planong mag upgrade ng system.

Sa Lazada at Shopee ako nakabili ng karamihan sa setup ko kaya dito na rin ako pumili ng mga parts na nilista dito. Pindutin mo lang kung alin ang mas okay sayo:

Kindly Share. Thank You!! ❤️
Scroll to Top